**1st Tagalog Entry Everrr..*
Nagsimula akong maglathala ng aking mga saloobin, hinanakit, pangarap at kaisipan noong ako ay asa highschool. Hindi ko inakalang ito ay magpapatuloy hanggang sa kasalukuyan kung kailan ako ay tapos na sa pag-aaral at ilang taon na rin namang nagtratrabaho at may sarili nang pamumuhay. Higit sa lahat, hindi ko inakalang ako ay makakasulat ng ilang berso sa wikang tagalog, bersong masaya ang tema at walang pinaghuhugutang hinanakit at lumbay.
Ang susunod na mga talata ay dulot ng isang pagsintang puno nang katatawanan, mga bagay na hindi pinlano at tunay na hindi inaasana. Ang titulo nito ay:
EPEKTO MO 0512
Pilit mang ipikit ang mga matang nagmimithi,
Kahit sa dilim, ngiti mo ay hindi mawaglit..
Mag-kunwari mang ikay hindi naiisip,
Hangang sa panaginip, ay ikaw ang ninanais..
Nakakapanibago, sa totoo lang, natatakot na ako.. Kahit sa hinagap ay hindi ko ikalang ganito ang iyong epekto..
Sa isang malayong ibayo ng mga mag-sinta at mapaglaro..
Sa isang lugar ng pangako, kung saan ang buhangin at alon ay parating nagtatagpo..
Inakala kong doon na ang huling yugto, yun pala ang kasunod noon ay tatlong tuldok..
Nakakapanibago, sa totoo lang, natatakot na ako.. Hindi ko inakalang, hindi ka lang puro loko..
Sa likod nga mga tawa at mga pagbibiro, mayroon palang paglambing na mukha namang totoo..
Hindi ako umaasa sa madaliang pag-ibig at sa pangako na handog ang kalawakan at mundo.
Pero akoy magpapasalamat kung balang araw ay magkatoto -- na matawag kitang akin, at ako ay sa iyo..
Dumating man ang araw na iyon, o manatiling lamang epekto ng bisyo..
Akoy buong pusong makukuntento..
Kuntento dahil, lubusang napasaya moko, natuto akong mabuhay sa ngayon at di masyadong maging seryoso..
Maliban don, kalakip ng mga tawa at mga emoticon sa mensahe mo, dulot mo ang inspirasyon upang makasulat ako ng masaya at nakakapagpangiting tagalog na berso..