Ive been scribbling since high school. I have a manage to collect a rummage of hilariously silly "high-school-you-thought-youreinlove" writings up to the most recent heart-out-burst.
I find solace in writing. Its personal; its an expression of your heart, a reflection of your thoughts, a channel of your soul. For years, I have hid behind the lines of my poetry. Cast under the shadow of my own words and locked in my broken sonnets and open-ended-verses.
I have long been hiding until i found a place here in Manila where you can read your poetry out loud, and i have mastered the gut to read my writings out.
Thanks to Dominic and to Open Spoken, my first Tagalog piece, written when i was in the blues last year, finally went out:
***
Takip Silim
Sabi nila tanga daw ako pagdating sa puso.
Sabi ko naman, mahal ko lang talaga.
Sabi nila bakit hindi ko naman isipan ang sarili ko.
Ang sagot ko naman, iba lang talaga yung sitwasyon.
Sabi nila hindi naman siya ganyan dati ah.
Tumahimik lang ako, ngumiti nang parang wala lang, sabay bulong sa hangin, na sana panandalian lang siyang ganon..
Pero ngayong gabi,
matapos ang ilang takip silim ng pag-unawa,
pag-tanggap, pag-paparaya
at di pagpansin sa pansariling nararamdaman.
May kakaibang saloobin akong bigla nalang lumabas,
mga kaisipang hindi ko mapigilang ilathala, ilang tanong na hindi ko maaring hindi mabigkas ---
Saan ba natatapos ang purong pagmamahal na kadalasan ay sinasaway na ang mga habilin at alituntanan na tinala ng isipan?
Hanggang kailan kaba mag-aantay kung minsan ay sinabi nangang hindi nya alam kung kailan maibabalik ang dati namang magkatugmang buhay?
Tama pabang patuloy na panghawakan ang pangako ng pag-ibig
-- kung tila pag-ibig nalamang ang naiwan.
Pag-ibig nalamang ang naiwan
at mukhang ang mga kaakibat nitong kailangan para itoy magtagal ay inalon na ng mga sandaling kayo'y magkawalay,
nang mga takot na hindi mabitawan,
ng mga saloobing pikit matang kinalimutan.
TAKIP SILIM was written last 2010 and was finally spoken last September 2011